Tahimik na daan patungo sa kung saan
Kinakausap mo ang iyong sarili
Walang nakikinig kung 'di ikaw lamang
Sa sariling daan, sa iyong pag-iisa
Asul ang dagat
Asul ang langit
Ang hanging wari'y nagsasabi
Mayro'n pang pag-asa sa iyong buhay
Ngunit 'di mo alam kung saan matatagpuan
Inaasam-asam sa iyong pag-iisa
Asul ang dagat
Asul ang langit
Tandang-tanda ko ang lahat (tandang-tanda)
Magmula nang mamulat (mamulat)
'Yun ba ay alam mo na?
Bawat yugto ng tadhana
Pag-ibig, siya'y iyong nasilayan
At sa isip mo, sana'y makapiling
Ngunit walang lakas ang pusong sugatan
Na nagdaramdam sa iyong pag-iisa
Asul (asul) ang dagat
Asul (asul) ang langit
Asul (asul) ang dagat
Asul (asul) ang langit
Comments (0)