Ayos Din album cover

Brownman Revival – Diskarte Lyrics

Ska

Simpatya ng problema ang 'yong kaharap
Damdamin mo, pinagbanlawan ng hirap
Puso mong sinipit, pag-ibig na pinipilipit
Kung pwede lang maalis ang sakit

Humawak ka sa aking mga kamay
Mga pagsubok, haharapin natin nang sabay
'Wag kang manghinayang, 'di pa tapos ang laban
Bumabad sa aking pagmamahal

Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

Kahit nahihirapan, ituloy ang kasiyahan
'Wag kang magpadala sa mga kabiguan
Problema'y para ding bula, mawawala at may hangganan
Kung gugustuhin, lahat may paraan

Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

Ganyan talaga ang buhay kung minsan (buhay kung minsan)
Nadudulas rin, pero laging alalahanin (laging alalahanin)
Ang luhaan mong pusong pinagsampayan (pinagsampayan)
Natutuyo din sa sinag ng pag-ibig sa katagalan

Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

Baby, huminga ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

Baby, ngumiti ka naman
Diskarte lang 'yan
Tamang kuskos, maaayos din 'yan

Ayos din 'yan, ayos din 'yan
Diskarte lang 'yan, yeah, hey
Ayos din 'yan, oh, ayos din 'yan
Diskarte

Comments (0)