Animated album cover

Fuseboxx – Pagbalik Lyrics

Rock

Sa paglipas ng dilim, dama pa rin ang lamig ng gabi
Baka sa'king isipan, alaala mo'y aking daing

Ikubli man ang aking damdamin
Sa pagluha pa rin umaamin ng pagmamahal
Ng pag-aasam

Maghihintay na lamang sa 'yong pagdating
Sa bawat pintig ng puso'y batid
Hinihiling sa langit ang 'yong pagbalik
Dalangin ko'y mahagkan nang muli

Bulong ng hangin, tila lumbay ang hatid
Anino ng langit, ipinagkakait ang liwanag na nais

Ikubli man ang aking damdamin
Sa pagluha pa rin umaamin ng pagmamahal
Ng pag-aasam

Maghihintay na lamang sa 'yong pagdating
Sa bawat pintig ng puso'y batid
Hinihiling sa langit ang 'yong pagbalik
Dalangin ko'y mahagkan nang muli

Ikubli man ang aking damdamin
Sa pagluha pa rin umaamin ng pagmamahal
Ng pag-aasam

Maghihintay na lamang sa 'yong pagdating
Sa bawat pintig ng puso'y batid
Hinihiling sa langit ang 'yong pagbalik
Dalangin ko'y mahagkan nang muli

Maghihintay na lamang sa 'yong pagdating
Sa bawat pintig ng puso'y batid
Hinihiling sa langit ang 'yong pagbalik
Dalangin ko'y mahagkan, makamtang muli

Comments (0)