Matrikula album cover

Gloc-9 – Bituwin Lyrics

Hip Hop/Rap

Tulog na, anak, at bukas ay may umagang darating
Minamasdan kita habang tulog na parang isang bituin
Kahit pa iniwan tayo ng 'yong ina
Dahil ako'y mahirap, kaya't sumama sa iba

Ngayon, ika'y musmos pa lamang, tatlong taong gulang
Lahat ay gagawin, haharapin, mapag-aral ka lang
Upang maabot mo, buhay na pinapangarap ko
At iyong malisan, hirap na kinamulatan ko

Lumipas ang ilang taon, ako ay umalis
At sa malayong pook, ako ay nagtiis
Larawan mo ang laging hawak-hawak ko
Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko

Ako ay nagbalik sa araw ng 'yong kaarawan
Malayo pa lamang, nakita ko na, ako'y kinabahan
Bakit maraming ilaw sa loob ng aming tahanan?
Ako ay lumuluha, mukha mo ay pinagmamasdan

Paalam na, aking anak, at sa gabing darating
Ako'y titingala at hahanapin ka sa mga bituin

Comments (0)