Mga kababayan, sa darating na halalan
Ako po sana'y mapagbigyan
Ang nais ko lang naman
Kayong lahat ay mapagsilbihan

Ako, ako, ako'ng piliin niyo
'Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko totoo
Titigan pa 'ko sa mata

Ako, ako'ng piliin niyo
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat ng kahirapan niyong kunwari
Ng kahirapan niyong kunwari

Panahon na naman ng magulong bilangan
Kung hindi ka makatiis
Ang mukha mo ay manipis
Hindi uso ang mahiyain
Kahit busog kumakain
Lahat ay napapailing sa tulog-tulugan na gising

Ako nga po pala ay si Kandidatong
May pambili ng kotse, bahay at lupa
Kayamanan ang may alam lang, laging manghuhula
Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha
At lahat ng mga sinungaling ay mapuksa
Akin na mga perang mapapasa'kin, sige na!

Ako, ako, ako'ng piliin niyo
'Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko totoo
Titigan pa 'ko sa mata

Ako, ako'ng piliin niyo
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Ng kahirapan niyong kunwari

Kapag ako'y inyong binoto
Lahat ay magkakatrabaho
Bawat pamilya may bigas
Mga palad kong nakabukas

Bakit tayo nakukuntento
'Pag binigyan ng isang kilo?
Na ang dapat nakalaan
Higit pa sa isang kaban

Galing nga po pala 'yan kay Kandidato
Na naglagay ng kotse, bahay at lupa
Kayamanan ang may alam lang, laging manghuhula
Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha
At lahat ng mga sinungaling ay mapuksa
Akin na mga perang mapapasa'kin, sige na!

Ako, ako, ako'ng piliin niyo
'Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko totoo
Titigan pa 'ko sa mata

Ako, ako'ng piliin niyo
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Ng kahirapan niyong kunwari

'Wag niyo pong kalilimutan ang aking pangalan
At lahat ng aking mga pinagsasasabi ay hindi kasinungalingan

Ako, ako, ako'ng piliin niyo
'Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko totoo
Titigan niyo pa 'ko sa mata

Ako, ako, ako'ng piliin niyo
'Wag po kayong maniniwala sa iba
Ang lahat ng mga sasabihin ko totoo
Titigan pa 'ko sa mata

Ako, ako'ng piliin niyo
Ako lamang at wala na ngang iba
Ang kasagutan sa lahat
Ng kahirapan niyong kunwari

Mga pangako na katumbas lang ay basura
Na pinapahawakan, mabaho na nga paso pa
Sa apoy na kasakiman pinagkalulo ka
Maamoy ng mga dahilan kaya sinusuka

Harap-harapan 'to, hindi kailangan ng kuta
Na para kang binulag o tinapunan ng muta
Sobrang magkaiba ang minasdan sa nakita
Lalo na ang tiwala na binigay sa kinuha

Comments (0)