Sino ang maton? May pusong 'di mamon
Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon
Ako'y isang maton at tila kamagong
Ang aking pagkalalaki kahit sinong magtanong
Dahil ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas
Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan
Tato sa balat, bali itong kagat
'Pag ako'y lumapag ay tiklupan lahat
Kay bilis kumaripas, walang kaparehas
Kasing tigas ng braso ko ang malamig na rehas
Ako lang ang may kalyo, may kalyong parang bato
Sa dami ng sinapak, ang lahat ay pinakaba ko
Parang yelo sa bulok na ngipin, nakakangilo
'Pag tinamaan sa panga, sigurado kang hilo
Ano ba talaga? (ano ba talaga?)
Ang tunay na kahulugan (ang tunay na kahulugan)
Ang katagang siga (siga)
Subukan nating kalagan
Laging kinakatakutan
Sakit sa katawan 'pag ika'y inabutan
Walang makapalag kahit na may binatukan
Balde ng kamao, ika'y pinapaliguan
Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas
Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan
Sa panahon ngayon
Iba na nilalaman, pahina
Basahin mo, lumapit ka
'Wag kang bibitaw, kumapit ka
Tawagin mong sinungaling
Parang kabaluktutan na pinilit maibaling
Upang maging deretso, baguhin ang palaging
Gamit na panindak kahit walang pahapahaging
Dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas
Pakuluin nang lumambot ang butil ng bigas
Sa bawat hibla ng palay
Tahakin ang tama kahit na maputik at madulas
Sino ba ang duwag
Basag ang mukha, hindi sumalag
Ngunit sa gapos ng buhay, pumiglas, kinalas
Pagkain para sa pamilya, sa hapag nilapag, 'yan ang siga
Sino ang maton? May pusong 'di mamon
Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon
Ako'y isang maton at tila kamagong
Ang aking pagkalalaki kahit sinong magtanong
Dahil ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas
Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan
Kahit ano mang gamit
'Di mo kayang durugin 'to
Kahit ano mang galit
'Di mo kayang takutin 'to
Kahit takutin, sunugin ang tapang na taglay
Matapang pagdating sa kapakanan ng iba
Maangas kapag kaharap ang hamon ng iba
'Di pasisindak sa takot at kaba
Malaki-laking digmaan ang kanyang mga tato
Kahit bugbog sarado, 'di magpapatalo
Kapag binabagsak, agad-agad bumabangon
Ipakita ang tikas, ilabas ang gilas
Itaas ang bandila ng makabagong siga
Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas
Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan
Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas
Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas
Ako'y siga, 'di mahina, 'pag tumawag sa taas
Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan
Comments (0)