Talumpati album cover

Gloc-9 – Talumpati Lyrics

Hip Hop/Rap

Dekada nubenta nang ako'y magkagusto
Sa tugtugang pinilit kong pag-aralan ng husto
Tapos lahat ng utos mo ang lahat ay binuhos ko
Kahit pangit ang lasa ang lahat ay inubos ko
Simot lahat pati tinga dapat laging matindi ka
Parang sinasabi sa kandila na sumindi ka
Kahit wala kang posporo dapat laging umaapoy
Kahit may takip ang inidoro ay umaamoy
Ang ibig kong sabihin ay di ka dapat magpapapigil
Pag ako'y nadadapa ay lalo akong nanggigigil
Hindi puwedeng magpasupil ipunin bawat butil
Hawakan ng mabuti kagatin ang mga pangil
Ang bawat pagkakataon madulas parang sabon
Buhatin kahit hindi mo alam ang laman ng kahon
Puwedeng magsawala puwede kang magtagumpay
Alin man sa dalawa ito'y nasa yong kamay

Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta
Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa
Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla
Sumulat, gamiting tinta'y alugbati
Sa aking talumpati
Sa aking talumpati
Sa aking talumpati

Sumali sa drive-by show ni Andrew E
May lumapit sa'kin na myembro ng DTG
Sabi niya kilala mo ba ko sabi ko hindi
Kasi magkasing nipis ang braso nya at binti
All black ang damit may inabot na papel
Anong pangalan ko ako po si Aristotle
Nang silipin telephone number ng kanilang leader
Isang sikat na rapper ang pangalan ay Beware
Kinabukasan ay pumunta ako sa tindahan
Nagbayad ng limang piso para aking matawagan
Nag ring may sumagot ang sabi niya hello
Kahit kinakabahan sumagot ako hello

Ako po si Venom yong rapper kagabi
Yung kausap ng kalbong maputi niyong katabi
Kaya doon nagsimula kami'y naging magkaibigan
At nalaman ko ang landas nang siyang dapat kong lakaran

Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta
Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa
Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla
Sumulat, gamiting tinta'y alugbati
Sa aking talumpati
Sa aking talumpati
Sa aking talumpati

Makalipas ang panahon tinanong niya ako
Aalis kasi siya papalit daw ako
At isang rapper na hindi naman marunong mag rap
Okay lang gagawa kami ng demo tape para matanggap
Sa kumpanya na naglalabas din ng pelikula
Ayos lang kahit nagrarap ako na nakamaskara
Kahit na mukhang tanga yan ay okay lang sa akin
Ang sumulat ng kanta ay siyang pangarap kong gawin

Nakapaglabas ng mga album na hindi pinag-isipan
Puno ng galit at umaapaw sa kayabangan
Matapos na tanggalin napagisip-isip ko rin
Siguro may mas maayos pa ako na pwedeng gawin
Nalaman ang unang bahin na sa makapal na libro
Kaya't di pa nagtatapos ang talumpati kong ito
Puwede akong magsawala puwede akong magtagumpay
Alin man sa dalawa ito'y nasa aking kamay

Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta
Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa
Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla
Sumulat, gamiting tinta'y alugbati
Sa aking talumpati
Sa aking talumpati
Sa aking talumpati

Comments (7)

  • Jayson Visto
    gusto ko to..
  • Mark Dave Plaza
    very well spoken the essence and the conduct of true nationalism...
  • Jason Nosaj
    gling ng album continuation n sir gloc..nagbayad ng MATRIKULA..nakatpos ng pag-aaral nkuha ang DIPLOMA..tpos ngaun nagbigay sya ng TALUMPATI..
  • Ban Onidranreb
    you made francism alive.... asteeg
  • Ramses Montemayor
    astig talaga.. wakang katulad..
  • Rolly Morilla Manisan
    RAP is the beast in my lift jejejejeje galing nang idol ko sir gloc9.
  • Aaron_gabrielle12
    Kasi magkasing nipis ang braso nya at bintiIsang sikat na rapper ang pangalan ay PETERAko po si VENOM <--Sir mali mali kayo. Got that album ... Pakitama po kawawa naman ung mga nagsesearch. Venom po ung dating pangalan ni sir gloc nung d pa cya sikat tapos si peter po ung leader ng Death Threath Gang (DTG)salamat sir!