Tuwing kita'y nakikita
Dugo ko'y kumukulo
Parang tiyan na nasira
Sa kakakain ng sugpo
Ano ba naman ang sikreto mo
Kay tapang mong pumanhik sa bahay ko
Ano bang gayuma ang gamit mo
At in-love sa 'yo ang anak ko
'Di na makatulog
'Di pa makakain
Kulubot sa noo
Pati na sa pisngi
Sa kaiisip sa iyo
Kulubot ko'y dumadami
Tuwing kita'y nakikita
Dugo ko'y kumukulo
Tuwing dalaw sa anak ko
Presyon ko'y 'di masugpo
Kailan ba kita mababatukan
Sana'y malapit na
Malapit na
Comments (0)