Kaligta – Para Sa 'yo Lyrics

Tuwing pinipikit ang mata,
Ngiti mo ang nakikita
Saan man magpunta
Yakap mo ang nadarama

Lumipas man ang mahabang panahon
Pag-ibig ko'y 'di tatanda para sa 'yo
Tumigil man ang ikot ng mundo
Ang tibok ng puso'y 'di magbabago para sa 'yo

Sa bawat paghinga
Ikaw ang naaalala
Sa 'king pag-iisa
Pag-ibig mo ang lagi kong kasama

Lumipas man ang mahabang panahon
Pag-ibig ko'y 'di tatanda para sa 'yo
Tumigil man ang ikot ng mundo
Ang tibok ng puso'y 'di magbabago para sa 'yo

Maubos man ang tinig ko
Aawit pa rin ang puso para lang sa 'yo

Lumipas man ang mahabang panahon
Pag-ibig ko'y 'di tatanda para sa 'yo
Tumigil man ang ikot ng mundo
Ang tibok ng puso'y 'di magbabago

Magbago man ang takbo ng mundo
Pag-ibig ko'y mananatili sa 'yo
Matapos man ang awit kong ito
Ang tibok ng puso'y 'di magbabago

(Lumipas man ang mahabang panahon) Para sa 'yo
(Lumipas man ang mahabang panahon) Para sa 'yo
(Lumipas man ang mahabang panahon) Para sa 'yo

Comments (0)