Sana ang buhay ay walang dulo o hangganan
Sana'y wala ng taong mahirap o mayaman

Sana'y iisa ang kulay
Sana ay wala ng away

Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Ng bawat isa sa mundo
Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Sana'y magkatotoo

Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan
Sana ang tao'y hindi nagugutom o nauuhaw
Sana'y hindi na gumagabi o umaaraw

Sana ay walang tag-init
Sana'y walang taglamig

Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Ng bawat isa sa mundo
Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Sana magkatotoo

Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan

Tatanda at lilipas din ako
Ngunit mayro'ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsa'y tayo'y nagkasama

Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Ng bawat isa sa mundo

Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan

Sana
Sana, sana, sana
Sana (sana'y pag-ibig na lang ang isipin)
Sana (ng bawat isa sa mundo)
Sana (sana)

Comments (0)