Kyla – Monumento Lyrics

R&B

Ikaw ang sumisindi sa aking napupunding pangarap
Lalong tumitindi ang apoy ng pagsisikap
Ako ang pinipinta, larawang sinisintang hangarin
'Di mo iniinda ang pahirap sa damdamin

Hulog ka ba ng langit?
Tila anghel ka na walang kasing bait
Palaisipan kung bakit
Datapwa't subali't mahiwaga nga ang pag-ibig

Konting bato, konting semento
'Di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa 'yo
At parang santo sa kumbento
Bidang star sa kuwento
Idol ka, taas-kamay ako sa 'yo
Ikaw ang dakila, siyento-porsiyento
Hayaan mo't ipagtatayo kita
Ng monumento, mento, mento, mento
Mo-monumento, mento, mento, mento

Sa dami ko nang sablay at dami nang pasaway na banat
Ang dapat sa akin ay sa presinto na lang magpaliwanag
Buti na lang wagas kahit na ang dalas magkulang
'Di ka nababanas, pangiti-ngiti ka lamang

Parang nananaginip
Ayaw gumising na sa pagkakaidlip
Sobrang napapaisip
Dedma sa bad trip, ibang klase nga ang pag-ibig

Konting bato, konting semento
'Di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa 'yo
At parang santo sa kumbento
Bidang star sa kuwento
Idol ka, taas-kamay ako sa 'yo
Ikaw ang dakila, siyento-porsiyento
Hayaan mo't ipagtatayo kita
Ng monumento

Sa bawat sulok, kanto at rotonda
Ibabantayog, walang kokontra

Konting bato, konting semento
'Di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa 'yo
At parang santo sa kumbento
Bidang star sa kuwento
Idol ka, taas-kamay ako sa 'yo
Ikaw ang dakila, siyento-porsiyento
Hayaan mo't ipagtatayo kita
Sa Edsa, Caloocan o Luneta
Kahit saan ipagtatayo kita
Ng monumento, mento, mento, mento
Mo-monumento, mento, mento, mento

Comments (0)