Kung magkikita tayong muli
Pa'no kaya?
Ako ba'y magdra-drama
Kung may kasama kang iba

Kung magkikita tayong muli
Hayaan mo
Sino mang kaakbay mo
'Di kita ibubuko

Minahal mo 'ko noon
May pangakong kailanman
At minahal rin kita noon
Ngunit iyong pinabayaan

At ngayon tapos na tayo
'Di kita masisisi
Kaya't huwag kang mag-alala
'Di na ako aasa, magkita man tayong muli

Kung magkikita tayong muli
Relax ka lang
Madali akong kausap
'Di ako mapaghanap

Kung magkikita tayong muli
Maniwala ka
Kaya kong magkaila
Kaya kong limutin na

Minahal mo 'ko noon
Kahit na ilang buwan lang
At minahal rin kita noon
Kahit iyong pinabayaan

At ngayon, tapos na tayo
Ang iyong sinasabi
Kaya't wag kang mag-alala
'Di na ko aasa, magkita man tayong muli

Kung magkikita tayong muli
Paano ba?
'Di na malaya ang puso mo
'Di ka pa nag-iisa

Kung magkikita tayong muli
Ayoko na
Kaya't huwag kang mag-alala
'Di na ako, aasa magkita man tayong muli

Comments (0)