Uy, si Loonie 'yon, ah? Tara, lapitan natin
Idol, fliptop tayo! (Tara, isa lang, kuya, sige na)

Parinig naman ng rap mo, sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo, arbor na lang 'yan
Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo, ha?
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
Huwag sanang apurado, ano'ng magagawa ko?
Wala akong maisip, masyado pang mainit
Akala mo tuloy, mukhang suplado 'pag tahimik

Pagod lang talaga, galing gig, Tuguegarao
Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag-uwi ko pa, para bang hindi ko malaman
Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
Laging puyat, nagkalat ang papel na nilamukos
Ang dami ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking ballpen, malapit nang maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?

Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na

Kasi, sapul sa pagkabata, sablay no'ng tumanda
Lumakad, humakbang, hanggang sa madapa
Huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang madadala
Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya huwag kang matakot magkamali
Pero alalay lang, huwag kang masyadong magmadali

'Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sa 'kin ni inay
Na kadalasan ay hindi nasusunod
Ayoko nang sumali, gusto kong manood
Minsan, wala nang gana, ayoko nang mag-rap
Kasi akala ko dati, alam ko na'ng lahat
'Yon pala, kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon, alam ko na kung ba't may pambura ang lapis

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?

Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na

Pero 'di ba, tao ka lang din? 'Di mo ba napansin?
Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti, bakit gano'n pa rin?
'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin
Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam
Ano'ng magagawa mo, tao ka lang?

Napapagod, natatakot, naiinip
Natatawa, nagtataka, naiinggit
Nangangawit, nagagalit, nabibigla
Nalulungkot, nauutot, nahihiya
Natutukso, nakokonsensiya
Nauubusan din ng pasensiya
Nasasaktan, nagmumura
Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Mali ba na magkamali?)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (ako'y katulad mo, yeah)
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian (tulad mo, tulad n'ya)
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? (Ano ba? Ano ba?)

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Uh, mali ba na magkamali?)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang, pasensiya na)
Ano ba ang dapat na gawin? (Ano ba?) Dapat bang kamuhian (ano ba?)
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?

Pasensiya na (tao lang)
Pasensiya na (tao lang)
Kagaya mo (tao lang)
Pasensiya na, yeah (kagaya mo, oh, yeah)
Pasensiya na, uh (tao lang)
Pasensiya na (wala tayong pagkakaiba)
Pasensiya na, sorry naman
Kung pwede lang sanang isoli na lang, pasensiya na

About This Song

"Tao Lang" is a deeply introspective track that captures the exhausting reality of being a public figure in the Filipino hip-hop scene, specifically addressing the relentless pressure and expectations that come with fame in the battle rap community. The song explores the psychological toll of constantly being approached by fans and fellow rappers demanding freestyle performances, new material, or explanations for career choices, revealing how these interactions can make an artist feel trapped and misunderstood. Loonie's lyrics paint a picture of someone who appears arrogant or standoffish to others, but is actually just overwhelmed and mentally drained by the constant demands on his time and creativity. The track's title, meaning "just human," serves as a powerful reminder that celebrities and respected artists are still people with limitations, emotions, and the need for personal space. Musically, the song features a laid-back, contemplative beat that contrasts with the more aggressive production typical of battle rap, allowing Loonie's vulnerable storytelling to take center stage. The production's subdued nature mirrors the artist's desire to step back from the spotlight and simply exist as a regular person. The song resonated with listeners because it humanized a figure who was often seen as larger-than-life in the FlipTop battle scene, offering a rare glimpse into the mental health struggles that can accompany artistic success. "Tao Lang" became an anthem for anyone who has felt the weight of others' expectations and the exhaustion that comes from constantly performing a public persona.

Comments (18)

  • jerome escorial
    oh yes so bueatiful song its so amazing
  • suppish
    idol!!!rapper of the year yan xD
  • Emmanuel Durante
    lalim eh.. galing
  • mr. johnz
    pwede gawa ka ng iba ng kanta ??? idol
  • Anne
    I couldn't believe na maiinlove ako sa rap. Ito lang ata ang hindi baduy na rap, moslty lahat ng rap is about love and break-ups, these one is the best. Keep it up! Let's love Philippine Music
  • Chazewalker
    im no fliptop lover.. but this one got my attention.. :) usually kc i dont look sa artists but sa mga songs n gngawa nla.. this one has a good story.. ndi gaya ng SWAGGER RAP! puro thuglove at thuglife! kaumay.. puro angas lng alam...!mga ganitong rap ang gusto may sense ang story.. i dont mind kung mgkakaway ung iba sa rap.. ang sakn lng pag mgnda ang song.. pinupuri ko :)
  • SFGFDS
    natural namuramura nong natalo
  • ipinautos
    ang dami ng kapeng ipinautos??? dami ko tawa dito mga isa tanga tanga bobo mo loonie
  • Renzo Amonggo
    i dowl pede pa picture idowl kita eii^_^ ganda talaga ng kantang to .. more more pa .^_^
  • jeff
    Pasensya Na Tae Lang
  • asIONg19stk96
    wheh
  • ia
    ang ganda talaga ng song nato
  • ia
    tama
  • emma lao
    i really like ds rap. first ko palang na marinig inuulit ulit kong pnapakinggan.. and it is easy to understand the meaning of ds rap..
  • Bhox'z Angel Lhady
    ang galing loonie !!
  • JONATHAN
    IDOL!!!MAY ENGLISH KA BANG RAP DON SA BATTLE NIYO NI ZAITO ANO TITLE NON
  • johnpaul
    idol ang galing mo sobra at and galing mo pang mag rap idol kita loonie ako pala si johnpaul g. tamon.. ..
  • Kim
    I love this song, Ang ganda ng message.