Popcorn album cover

Moonstar 88 – Sa Langit Lyrics

Rock

Paano kaya mapapansin
Pag-ibig kong itong laging bitin?
Panay sulyap, puro tingin
Hindi na talaga lilingunin

Lagi na lang nasasaktan
Puso kong itong nagdurusa
Laging pinipilit
Pag-ibig ko sa 'yo ay dinggin

Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit

Marahil doon puro pag-ibig
Siguro naman, ako ay pansin
Pagbibigyan sa 'king mga hiling

Paano kaya mararamdaman
Pag-ibig mong aking asam?
Marahil nga doon na lang sa langit

Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit

Lagi na lang kitang nakikita
Tila ba'y 'sang madilim na ulap
Walang kasinag-sinag
Para sa 'king pag-asa

Hihintayin na lang kita sa langit
Hihintayin na lang kita sa langit

Ako ay may kaba, ako ay nag-aalala
Kung tayo ba ay magkikita sa langit
Doon sa langit, sana sa langit, sana sa langit
Ang tanging pag-asa ko na lang ay langit

Comments (0)