Tila ba kahapon lang
Nang tayo'y nagsumpaan, 'di natin iiwan
Samahang ito, magpakailanman
Ngunit ano nga ba'ng nagbago?
Bakit ako ay bigo sa 'yo?
Sinabi mo, pag-ibig mo'y wagas
Bakit ngayon, tila wala nang bukas?
Pa'no ba kita malilimutan kung buhay ko sa 'yo'y nilaan?
Kahit anong pilit, 'di magawang limutin ang ating nakaraan
Pa'no ba kita malilimutan kung sa 'yo pa rin nakalaan?
Itong pusong 'to, nagsusumamo kung paano
Ikaw ba ay nalinlang?
O sadyang gano'n ka lamang?
Nais kong malaman
Bakit lumisan? Ano'ng dahilan?
Bakit pa pinagtagpo, kung mundo ko pala'y guguho?
Sinabi mo, pag-ibig mo'y wagas
Bakit ngayon, tila wala nang bukas?
Pa'no ba kita malilimutan kung buhay ko sa 'yo'y nilaan?
Kahit anong pilit, 'di magawang limutin ang ating nakaraan
Pa'no ba kita malilimutan kung sa 'yo pa rin nakalaan?
Itong pusong 'to, nagsusumamo kung paano
Sinisigaw ng aking puso
Pangalan mo, hanggang pagtulog ko
Magpahanggang ngayon, umaasa
Na tayong dalawa'y magkasama
Sa habang panahon, mamahalin kita

Comments (0)