Gusto ko sanang makita ka
Kanina pa ako atat sa 'yo
Medyo naiipit lang ako
Sana'y maghintay ka lang

Hindi ako mapakali sa aking upuan
Wala na rito ang isip ko, nauna na riyan
Malapit na kasi ang uwian
Sa wakas, makikita muli kita

Gusto ko sanang makita ka
Kanina pa ako atat sa 'yo
Medyo naiipit lang ako
Sana'y maghintay ka lang

Patungo na po ako sa sakayan
Wala bang jeep na 'di puno? Sasabit na lang
Tama bang bumuhos na lang bigla ang ulan?
S'yempre, lusaw ang engineering ng buhok

Medyo malapit na 'ko sa eskuwela mo
Sana'y matupad ang nais ko
Sa bintana ng dyipning sinasakyan
Sana ay matanaw ka habang wala pa ang iyong sundo

Gusto ko sanang makita ka
Kanina pa ako atat sa 'yo
Medyo naiipit lang ako
Sana'y maghintay

Sana'y maghintay
Sana'y maghintay

Comments (0)