Ikaw ang pangarap ng puso at walang iba kun' 'di ikaw lang
Ikaw ang lahat para sa 'kin, nais ko'y lagi kang natatanaw
Ayoko nang sa 'yo ay mawalay pa, ganyan, oh, aking mahal
Ang lahat ng ito, ang tanging dahilan ay ikaw

Ikaw ang lunas sa lungkot, kung ang puso ay mayro'ng pagdaramdam
Ikaw ang niyayakap ko, kung mayro'ng sandaling dama ang ginaw
Ang tanging hiling ko lang na sana sa bawat sandali ay ikaw
Tunay ngang nasa 'yo, ang puso ay ikaw ang sigaw

Kailan pa man, iibigin ko'y tanging ikaw
Ang iaalay ko para sa 'yo'y walang hanggang pagmamahal
Pag-ibig ko ay tanging sa 'yo, aking mahal
At hanggang may pintig ang puso ko, hahanapin ay ikaw

Comments (0)