Shamrock – Haplos Lyrics

World

Mahal, hanggang kailan
Maghihintay ang puso ko?
Nangungulila sa iyo

Handog ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Lahat ibibigay
Basta't sa 'kin, ika'y 'wag nang mawawalay

Sabihin mo sa akin, kailan mali ang pag-ibig?
Kailangan bang masaktan pa ating mga damdamin?
Yakapin mo ako, oh, hagkan mo akong muli
Huwag kang bibitiw, sabay natin lalakbayin ang langit

Pa'no magwawakas
Ang paghihirap ng dibdib?
Sa Diyos, ako'y nananalig

Handog ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Walang ibang hangad
Dahil itong puso, ikaw lamang ang pinapangarap

Sabihin mo sa akin, kailan mali ang pag-ibig?
Kailangan bang masaktan pa ating mga damdamin?
Yakapin mo ako, oh, hagkan mo akong muli
Huwag kang bibitiw, sabay nating hahaplusin ang langit

Comments (0)