Shamrock - Ikaw Lang album cover

Shamrock – Ikaw Lang Lyrics

Rock

Lagi, naghahanap itong puso ng 'yong kalinga
Hindi nagagalaw itong mundo 'pag wala ka, sinta
Pa'no na ang mga araw kung wala sa piling mo?
Bawat sandaling lumilipas, nababalot ng lungkot

Ikaw lang ang kailangan
Upang maituloy ang mga nasimulan
Ikaw lang ang iibigin
Bawat sandali ng aking buhay
Sa aking mga sinasabi, magtiwala ka
Ang tangi kong kailangan, ikaw lang

Tapat ang pagmamahal na alay ko, sana'y pakinggan mo
Giliw, 'wag kang lilisan, dito ka lang sa tabi ko
Yakap mo'y aking kailangan upang 'di lamigin
At hindi kita iiwan kahit kailan, pangako 'yan

Ikaw lang ang kailangan
Upang maituloy ang mga nasimulan
Ikaw lang ang iibigin
Bawat sandali ng aking buhay
Sa aking mga sinasabi, magtiwala ka
Ang tangi kong kailangan, ikaw lang

Pa'no na ang mga araw kung wala sa piling mo?
Bawat sandaling lumilipas, nababalot ng lungkot

Ikaw lang ang kailangan
Upang maituloy ang mga nasimulan
Ikaw lang ang iibigin
Bawat sandali ng aking buhay
Sa aking mga sinasabi, magtiwala ka
Ang tangi kong kailangan, ikaw lang

Ang tangi kong kailangan, ikaw lang

Comments (0)