Dramachine album cover

Sugarfree – Martir Lyrics

Rock

Patay na naman ang ilaw
Walang ibang nandito kung 'di ako
Bakit ba kailangan ako ang maiwan?
Bakit kailangan mong lumisan?

Kailan ka ba muling darating?
Malapit na namang magtakipsilim
Tama bang umasa't humiling?
Marami pa akong dapat sisihin

Ilang ulit ba itong nangyari?
Ilang gabi at dilim
Maraming beses nang iniyakan
Maraming beses hindi nakayanan

Kailan ka ba muling darating?
Malapit na namang magtakipsilim
At kahit na ilang ulit mo akong saktan
Nais lamang ay ang makapiling ka
Makapiling ka

Kailan ka ba muling darating?
Malapit na namang magtakipsilim
At kahit na ilang ulit mo pa akong saktan
Basta't sa susunod 'di mo na ako iiwan

Kailan ka ba muling darating
Marami na akong tinagong lihim
At kahit na ilang ulit mo pa akong saktan
Basta't sa susunod 'di mo na ako iiwan
At kahit na ilang ulit mo pa akong saktan
Basta't sa susunod 'di mo na ako iiwan

Comments (0)