Kung 'di man tayo magkatuluyan
Pwede bang 'wag na lang natin pag-usapan
Kung bakit ganito ang kinahatnan
Ng ating buhay at pag-ibig
Alam kong nasasaktan kita, 'di na pinasasaya
'Di naman ako manhid sa 'yo

Ako'y patawarin
'Di sinasadya na ika'y mapaluha
Ako'y patawarin
'Di makakaya na ikaw ay mawala

Kung 'di mo kayang maniwala
'Di ko pa rin malilimutan ang aking naramdaman
Unang araw na ika'y nasilayan
Sa may Philcoa
Sino bang mag-aakala na ito ang simula
Ng pag-ibig na tinadhana

Ako'y patawarin
'Di sinasadya na ika'y mapaluha
Ako'y patawarin
'Di makakaya na ikaw ay mawala

Lahat ay gagawin para ika'y suyuin
Hindi naman ako insensitibo

Ako'y patawarin
'Di sinasadya na ika'y mapaluha
Ako'y patawarin
'Di makakaya na ikaw ay mawala
Wala, wala, wala

Comments (0)