Tala-Arawan album cover

Sugarfree – Salamin Lyrics

Rock

Gumising akong mabigat ang loob
May guhit ng luha sa 'king pisngi
Dahan-dahang bumangon at napatanong
Bakit dati hindi naman ganito ang buhay?

Sumisilip ang araw sa 'king bintana
Naririning ang ingay ng kapit-bahay
Ngunit dito, 'sing-gabi pa rin ng kumakapit na dilim

Sa salamin, ako'y tumingin
Unti-unti kong napansin
Na sa dami na rin ng nangyari
Halos 'di na makilala ang aking sarili

May mga lumang kanta na naririnig pa
Tungkol sa hari, kwarto, tulog, at motel na madrama
At ang tinig sa radyo ay galling sa bata
Na nagpapanggap nang mama, hindi n'ya lang alam
Mahirap palang tumanda

Sa salamin, ako'y tumingin
Unti-unti kong napansin
Na sa dami na rin ng nangyari
Halos 'di na makilala ang aking sarili

Sarili

Nakakita ako ng isang litrato
Halos 'di na makilala ang batang nakangiti
Katulad ng maraming bagay, litrato ko'y kukupas
At bukas, isa na lang s'yang malayong alaala

Sa salamin, ako'y tumingin
Unti-unti kong napansin
Na sa dami na rin ng nangyari
Halos 'di na makilala ang aking sarili

Sarili
Sarili
Ang aking sarili

Comments (0)