Kung magkikita tayong muli, hayaan mo
'Di kita ibubuko, sino mang kasama mo
Kung magkikita tayong muli, tuloy ka lang
Kahit ba mautak s'ya, 'di na n'ya malalaman
Minahal mo ako noon, may pangakong kailanman
At minahal rin kita noon, ngunit iyong napabayaan
At ngayon, tapos na tayo, ang iyong sinasabi
Kaya't huwag kang mangangamba
'Di na 'ko aasa, magkita man tayong muli
Kung magkikita tayong muli, relax ka lang
Madali akong kausap, hindi ako mapaghanap
Kung magkikita tayong muli, hayaan mo
'Di kita ibubuko, sino mang kasama mo
Minahal mo ako noon, may pangakong kailanman
At minahal rin kita noon, ngunit iyong napabayaan
At ngayon, tapos na tayo, ang iyong sinasabi
Kaya't huwag kang mangangamba
'Di na 'ko aasa, magkita man tayong muli
Kung magkikita tayong muli, paano ka?
'Di na malaya ang puso mo, 'di ka na nag-iisa
Kung magkikita tayong muli, ayoko na
Kaya't huwag kang mangangamba
'Di na 'ko aasa, magkita man tayong muli
Comments (0)